Free Essay

Pananakop Ng Dayuhan

In: Historical Events

Submitted By AlessandraS
Words 1845
Pages 8
(3rd Quarter)
Pananakop ng mga Dayuhan sa Asya
Minsan ba’y sumagi sa isipan niyo kung ano nga ba ang mga pangyayaring naganap nung sinaunang panahon, bakit nga ba naging ganito tayo at sino ang nakaimpluwensya sa atin?
Maraming katanungan ang di pa nasasagot. Kaya’t talakayin natin ang UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA (16-17 SIGLO) Bago ang pagtuklas at pananakop may ugnayan ng nagaganap sa mga Europeo at mga Asyano. Nagsimula ang ugnayang ito sa pamamagitan ng palitan ng kalakal sa mga Asyano at Europeong mangangalakal. Ang pinakatagpuan nila ay nagaganap sa tatlong pangunahing ruta ng kalakan sa Asya. Una, ang Hilagang ruta, na nagpapasimula sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara. Pangalawa, ang Gitnang Ruta, na papunta sa baybayin ng Syria at dadaan sa Golpo ng Persia at ang huli ay ang Timog Ruta na maglalayag mula sa India babagtasin ang Karagatang Indian hanggang sa makarating ng Egypt sa pamamagitan ng Red Sea. Dumating ang panahon na ang ruta ng kalakalan na nag-uugnay sa mga mangangalakal na Asyano at Europeo ay sinakop ng naghaharing Turkong Ottoman. Nang sinakop ito ng mga Turkong Ottoman tanging ang mga Italyanong mangangalakal ang pinayagan na makadaan at makipag-ugnayan sa mga mangangalakal na Asyano.
Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya :
Krusada:
(insert Pic) Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga ito. Ayon sa mananalaysay na si Edward Gibbon, pinakanaiibang pangyayari sa kasaysayan ang mga Krusada. Sa isang tawag ni Papa Urban II, ang mga hari,pari, maharlika, magsasaka, manggawa at mga alipin ay handang iwan ang kanilang gawain at mag-anak upang hawakan ang krus at espada at tubusin ang Jerusalem sa kamay ng mga Muslim.
Ang Paglalakbay ni Marco Polo:
(insert pic)
Ang karaniwang pamagat sa Ingles ng aklat sa pagbibiyahe ni Marco Polo na binansagang Il Milione (Ang Milyon) o Le Livre des Merveilles (Ang Aklat ng mga Kahanga-hanga). Isa itong libro mula sa ika-13 siglo na isinulat ni Rustichello da Pisa halaw sa mga kuwento at tala ni Marco Polo. Ito ay naglalarawan ng mga paglalayag ni Marco Polo sa Silangan, kabilang ang Asya, Persiya, Tsina, at Indonesya, sa pagitan ng mga taong 1271 at 1298, at kilala rin bilang Oriente Poliano at Paglalarawan ng Daigdig (Description of the World)
Renaissance
(insert pic) ay nagsimula sa Italya at ito ay lumaganap sa buong Europa noong ika-16 na siglo. Ito ay nagpasimula ng realismo sa Sining at pag-aaral ng mga obra ng mga Romano at Griyegong iskolar at manunulat. Dito rin nagsimula ang Repormasyon at kontra-Repormasyon sa Europa.
Ang pagbagsak ng Constantinople
Naglakbay si Marco Polo kasama ang kaniyang ama na si Niccolo Polo at tiyuhing si Maffeo Polo. Nakarating sila sa Tsina, sa kaharian ni Kublai Khan(apo ni Genghis Khan). Malugod silang tinanggap sa kaharian ni Kublai. Nagustuhan ni Kublai ang mga katangian ni Marco Polo kaya't ginawa niya itong katiwala. Naging gobernador siya sa Yangzhou sa loob ng limang taon. Ipinadala sila sa Persia at Roma upang magpalaganap ng Kristiyanismo. Pagkatapos ay bumalik siya sa Venice(sariling bansa ng mga Polo). Nadakip siya at ikinulong sa Genoa. Nakilala niya si Rusticiano, isang ring bilanggo. Ikinuwento ni Marco ang mga pangyayari sa kanyang buhay sa kaharian ni Kublai Khan sa loob ng 17 years na paninirahan nila roon. Isinulat ito ni Rusticiano.
(pics na dito)

Merkantilismo *merkantilismo ay ang prinsipyong pang ekonomiya... noong ika 16 na siglo,naniniwala ang mga bansang europa na ang ekonomiya ay maaaring maging instrumento ng pagtaas ng pambansang kapangyarihan... *Ang merkantilismo ay isang doktrinang pang-ekonomiyang umiral sa Europa noong ika-16 at ika-17 siglo.Ito ay nakatuon sa paniniwala na ang bansa ay magiging mayaman at malakas kung ito ay higit na magluluwas kaysa mag-aangkat.Sa ganitong paraan,ang ginto at pilak ay dadaloy paloob sa bansa *ang mga europeo noon ay pinapahalagahan ang pilak at ginto kaya naitatag ang MERKANTILISMO isang sistemang pangkabuhayan na binibigyang diin ang akumulasyon ng ginto at pilak at itinataguyod ang kumpitisyon sa pagbili ng prudokto.

Matapos ang pagpapahirap ng mga dayuhan sa mga tao. Nagsimula na silang manggalugad sa iba’t – iba pang parte ng Asya.
PAGGALUGAD AT PAGTUKLAS NG MGA BANSANG KANLURANIN
Pinangunahan ng Portugal at Spain ang paghahanap ng ruta. Maraming manlalayag na Portuges ang naglakbayngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang paglalakbay ni Vasco da Gama sapagkatnalibot niya ang ”Cape of Good Hope” sa dulo ng Aprika na siyang magbubukas ng ruta patungong India at sa mga Islang Indies.
Kung noon ay Italy, lalo na ang Venice ang nag-iisang nagkontrol sa rutang pangkalakalan patungong Silangan, ang pagtuklas ng alternatibong ruta na natuklasanng mga Portuges ang nagbigay ng hamon sa iba pang bansang Europeo na maggalugad sa ibang panig ng daigdig. Nariyan ang Spain, Netherlands, France, England, Russia, Germany, at Amerika.
Nagpaligsahan ang mga ito para tanghaling pinakamakapangyarihan na bansa sa mundo sa pamamgitan ng pagpapalawak ng mga lupain. Nanguna sa mga ito ang Portuges at Spain na naging matindi ang pagpapaligsahan sa

paggalugad sa mundo at pagsakop ng mga lupain. Sa matinding pagtutunggalian ng dalawang bansa ay namagitan ang Papa ng Simbahang Katoliko para maiwasan ang paghantong sa digmaan ng paligsahan ng mga ito. Taong 1494 ay nagtalaga ng “line of demarcation” o hangganan kung saang bahagi ng mundo maggagalugad ang dalawang bansa. Ayon sa Tratadong Tordesillas, ang Portuges ay maggagalugad sa bandangsilangan samantalang ang Espanya ay sa bandang kanluran. Nang maipatupad ang desisyong ito ay nakapaglayag na ang Espanya sa bandang kanluran kung saan marami nang teritoryo sa kontinenting Amerika ang nasakop. Ang Portuges naman ay nakuha lang ang Brazil. Ganoon pa man, hinayaan na ng Espanya na manatili sa Portuges ang Brazil habang ang Pilipinas naman na nasa silangan na nasakop naman ng Espanya ay nanatili naman dito. Ang hindi naiwasan na digmaan ng Portuges at Espanya ay sa Moluccas. Ito ang pinakamimithi na lugar na pinagkukunan ng mga rekado. Sa pamamagitan ng Tratadong Saragosa noong1529, nakuha ng Portuges ang Moluccas. Maliban sa Moluccas ay nakakuha rin ito ng teritoyo sa India.
Ang Portugal ay nakakuha ng maraming piling lugar sa Asya. Noong 1502 nagbalik at nagtatag si Vasco da Gama ng sentro ng kalakalan sa may Calicut sa India.Nooong 1505 ipinadala si Francisco de Almeida bilang unang Viceroy sa silangan .Sa pamumuno ni Alfonso de Albuquerque, 1510 nasakop ang Ormuz sa Golpo ng Persia(Iran ngayon).Diu at Goa sa India, Aden sa Red Sea, Malacca sa Malaya at Moluccas sa Ternate, Macao sa China at sa Formosa(Taiwanngayon). Mga daungan ang piniling sakupin ng Portugal upang makontrol ang kalakalan .Noong una ang motibo o paraan lang ay pangkabuhayan o pangekonomiya lamang hanggang sa ipinasok ang Kristiyanismong Katolisismo sa mga nasasakupan ng Portugal.Sa kalagitnaan ng 16 na siglo ang Portugal ay may malawak ng sakop sa Asya. Noong 1580, sinakop ng Spain ang Portugal ng 60 taon.Nang makalaya ang Portugal noong 1640 ang kanyang mga kolonya ay nakuha na ng England at France.
Maliban sa Espanya at Portuges, nakipagpaligsahan rin ang Inglatera. Sa pamamagitan ng Italyanong marinero na si John Cabot, napasailalim ng Inglatera ang Nova Scotia Canada. Nang matalo ng Inglatera ang Spanish Armada noong 1588 ibinuhos ng Inglatera ang kanyang atensiyon sa kalakalan. Sa pamamagitan ng East India Company, naitatag ng Inglatera ang sentro ng kalakalan sa India. Nakapagtatag rin ito ng permanenteng panirahan sa Hilagang Amerika. Sinundan ito ng pagsakop ngCeylon, Malaya, at Singapore pati na rin ang Australia, New Zealand, at mga pulo sa Hilagang Pasipiko.

KANLURANG ASYA
Sa Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Kanlurang Asya ay hindi pa nagkakainteres ang mga Kanluranin dahil ito ay sakop ng mga Turkong Ottoman. Ang naghahari sa panahong ito ay ang relihiyong Islam. Noong 1507, nakuha ang Oman at Muscat ng mga mangangalakal na Portugues ngunit pinatalsik naman ng mga Arabe noong 1650. Noong 1907, ang Bahrain ay naging protectorate ng Britanya ngunit hindi rin nagtagal, pinatalsik ang mga British ng isang Heneral na si Shah Reza Pahlavi ang mga British.
Ang Portugal, England at France ang mga bansang Kanluranin na nakarating sa India. Sa pag-iral ng prinsipyong pang-ekonomiyang merkantilismo ang mga bansang Kanluranin ay may iisang layunin sa pagpunta sa Asya, ang makasakop ng mga lupain. Sa huli ang England ang nagtagumpay para maisakatuparan ang interes sa likas na yaman at mga hilaw na materyales ng India. Samantalang ang Kanlurang Asya ay hindi agad nasakop dahil sa panahong ito pinaghaharian pa ito ng napakalakas na imperyong Ottoman, at pinagpatibay ng pagkakaisa dahil sa relihiyong Islam na ipinalaganap at tinanggap sa rehiyon.

Ang England sa India,noong 1600 ginamit ang British East India Company ,isang pangkat ng mangangalakal na Ingles na pinagkalooban ng pamahalaang Ingles ng kaukulang kapangyarihan upang mangalakal at pamahalaan ang pananakop nito at pangalagaan ang interes nito sa ibayong dagat. Pagdating ng 1612 nabigyan ng permiso ang Ingles para makapagtatag ng pagawaaan sa Surat. Hindi nagustuhan ng Portugal dahil sila ang naunang nanakop. Pagdating ng 1622, tinulungan ng Ingles ang mga Persian laban sa Portuguese dahil dito nakapagtatag ng sentro ng kalakalan sa kanluran at silangang baybayin ng India.Ang British East India Company ay nakakuha na ng concession (pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo) sa Madras mula sa rajah ng Chandragiri. Noong 1668 pinaupahan na ni Haring Charles ang pulo ng Bombay. Sa taong 1690 sa delta ng Ganges nakakuha ng kapirasong lupain ang Ingles sa pagpayag ni Emperador Aurangzeb ang lider ng Imperyong Mogul.Dito naitatag ang lunsod ng Calcutta.Madaling nasakop ang India dahil watak-watak ang mga estado nito at mahina ang liderato ng Imperyong Mogul na siyang naghahari sa India. Noong una pangkabuhayan ang dahilan ng England sa pagpunta sa India. Nang makita ang malaking pakinabang sa likas na yaman nito tuluyang sinakop ang India ng England.
Ang France naman ay nakakuha rin ng teritoryo sa Quebec, Canada. Nakuha rin nito ang Louisiana sa Amerika at sa Asya noong ika-18 siglo nasakop ng Pransiya ang Laos, Cochin China, Cambodia, at Annam. Ang mga teritoryong ito ang buong kolonyang French Indo-China.
Ang France ang pangatlong bansa na gustong masakop ang India. Ang ginawa ng France ay nakipagsabwatan sa pinunong local ng Bengal. Ginamit ang French East India Company na naitatag noong 1664. Nakapatatag ang France ng pamayanang pangkomersyal sa Pondicherry,Chandarnagore, Mahe at Karikal. Nagtapos ang interes na ito ng nagkaroon ng labanan sa Plassey ng Pitong Taong Digmaan sa pagitan ng England at France. Sa tulong ni Robert Clive, ang nagtatag ng tunay na pundasyon ng Ingles sa India. Ang England ang nagtagumpay laban sa France. Ang England ang nananatiling matatag na mananakop ng India.
Ang Netherlands sa pamamagitan ng Dutch East India Company ay namahala rin saisang bahagi ng India. Napasailalim ng Netherlands ang East Indies (Indonesia sa kasalukuyan).

Mga Dahilan na Lalong Nagbunsod sa mga Europeo na Maghangad ng Kolonya sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (18-19 siglo)
Kolonyalismo -…...

Similar Documents

Free Essay

Sektor Ng Agrikultura

...SEKTOR NG AGRIKULTURA Binubuo ng espesyalisasyon at gawaing pamproduksyon na nababatay sa heograpiya o lokalidad at pisikal na aspeto ng isang lugar. Tinuturing na primaryang sektor PAGHAHALAMANAN Maraming pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo,saging, pinya, kape, mangga at tabako. Kasama rin sa paghahalaman ang produksyon ng gulay, halamang-ugat, at halamang mayaman sa fiber PAGHAHAYUPAN Binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka,kambing, baboy, manok at pato .Nakakatulong ito sa pagsuplay ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain PANGINGISDA  Angbansa ay isa sa pinakamalaking tagatustos ng isda sa mundo. Ang pangingisda ay maaaring;1.Komersyal²26.79 %2, Munisipal²30.84%3.Aquaculture ²87.80% PAGGUGUBAT Pangunahing pang-ekonomikong gawainsa agrikultura . Pinagkukunan ng suplay ng plywood,table, troso, Pinagkakakitaan din ang mga produktong hindi kahoy tulad ng rattan, nipa, anahaw,kawayan, honey, at dagta ng almaciga KAHALAGAHAN NG AGRIK ULTURA  1.Pangunahing pinagmulan ng hanapbuhay . Pinagkukunan ng pagkain at materyal sa mga industriya .Nagsisilbing pamilihan ng mga produktosa  Industriya. Pinagkukunan ng Kitang Panlabas. Pinagkukunan ng Karagdagang Tulong ng .Ibang sektor ng Ekonomiya MGA DAHILANAT EPEKTONG MGA SULIRANIN 1.Mabilis na pagkaubos ng mga likas na  yaman lalong lalo na ang kagubatan2. 2Pagbibigay prayoridad sa sektor ng industriya 3. 3Di pantay-pantay na pagmamay-ari ng lupang......

Words: 412 - Pages: 2

Free Essay

Wikang Filipino, Ugat Ng Pagka-Pilipino

...Filipino: Ugat ng Pagka-Pilipino Wika! Isang salitang nakapagbibigay ng maraming kahulugan. Ayon sa isang manunulat ang wika raw ay isang sistematik na balangkas na may binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrari upang magamit ng mga taong may iisang kultura. Ang iba naman ay nagsasabing ito raw ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan ang isang grupo ng mga tao. Sa kabila ng iba-ibang pagkahulugan sa wika. Sa ating mga Pilipino isa lamang ang ibig sabihin nito. Ang wikang Filipino ay sagisag ng ating pagiging isang Pilipino. Ang ugat ng ating pagka-Pilipino ay nasa ating wika. Itinatag ang wikang Filipino na may layuning palakasin ang ating pagka-Pilipino. Kung tutuusin nga’y napakayaman ng Pilipinas sa wika nariyan ang Cebuano, Ilocano, Bicolano, Chavacono, Ilonggo, Waray at marami pang iba. Sa tulad nating arkipelagong bansa at mayroon pang napakaraming diyalekto sadyang napakahirap talagang magkaintindihan. Kung hindi naitatag ang wikang Filipino marahil tayo mismong magkakalahi ay nagkakagulo. Sa paraang magkakaiba ang mga diyalektong ating ginagamit at wala tayong napagkasunduang wikang ating gagamitin na maaari pang magresulta sa ating hindi pagkakaunawaan. Ang pagkakaroon natin ng wikang pambansa ay dumaan sa maraming yugto ng panahon. Nariyang nakisalamuha natin ang wikang Kastila, Ingles at Tsino. Maraming taon ang ating hinintay upang ganap nating makamit ang pagkakaroon ng wikang......

Words: 3371 - Pages: 14

Free Essay

Ang Epekto Ng Pag Gamit Ng Advertisement

...ANG EPEKTO NG PAG GAMIT NG ADVERTISEMENT ISANG PAMANAHONG PAPEL NA ISINUBMIT PARA KAY GNG.HIDALGO BILANG PAGTUTUPAD SA MGA KAILANGAN PARA SA FILIPINO 2 CAROLINE L. TAN MARSO 2011 PASASALAMATAN Ako ay lubos-lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong upang maisagawa ang pananaliksik na ito. Maraming salamat pos a aking mga kamagaral sa Kester Grant College, mga kaklase ko ng high school pa na tumulong sa pagsagot sa aking talatanungan at sa mga kapatid ko ng nagpasagot ng aking talatanungan sa kanilang mga kaklase sa ibang unibersidad. Nagpapasalamat din ako sa aking mga kapatid na napagtatanungan ko, pati sa aking mga kaibigan, at pati din sa aking propesor na si Gng.Hidalgo para sa pag turo saakin kung paano ko ito magagawa dahil kung wala sha hindi ko po ito magagawa ng maayos. TALAAN NG MGA NILALAMAN I. KABANATA 1 : ANG SULIRANIN………………………………….1-4 II. KABANATA 2 :ANG MGA KAUGNAY NG PAGAARAL AT LITERATURA………………………………………………………..5-11 III. KABANATA 3 : PARAAN NG PANANALIKSIK……………………………………………………..13-12 IV. KABANATA 4 : PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS……………………………………………………………..14-20 V. KABANATA 5 : LGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON………………………………………………..26-28 VI. LISTAHAN NG SANGGUNIAN………………………………………29 VII. TALANUNGAN……………………………………………………….30 VIII. TALAMBUHAY………………………………………………………31 KABANATA 1. ANG......

Words: 6070 - Pages: 25

Free Essay

Ikalawang Yugto Ng Imperyalismo

...Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon ► Imperyalismo -ang dominasyon ng isang bansa sa political,ekonomiya, at kultura ng isa pang bansa -isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang malaki o makapangyarihang bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop, paggalugad o pagkontrol sa pangkabuhayan at pampulitikal ng ibang mga bansa. ► Kolonisasyon -ang pagtatag ng permanenteng paninirahan sa mga dayuhang lupain. -tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupain upang matugunan ang layuning pangkomersiyal at panrelihiyon ng isang bansa. Mga Dahilan ng Imperyalismo Mga salik ang naging dahilan ng Imperyalismo : ► Pangkabuhayang Interest (GOLD) ► Layuning Pananampalataya (GOD) ► Politikal at Militar na Interest (GLORY) ► Pangkabuhayang Interest (GOLD) PANGKABUHAYANG INTEREST Mga Salik sa Pangkabuhayang Interest: ► Nangangailangan ng Daungan para sa kanilang mga suplay. ► Pagkakaroon ng bagong pamilihan. ► Makuha ang mga yamang likas ng ibang bansa. ► Magkaroon ng mga bagong lupaing siyang paglalagakan ng sobrang pondo. Mga Produktong makukuha sa mga Bansa sa Asya ► Langis Bulak ► Petroleum Uling ► Tsaa Manganese ► Kape Tubo ► Asukal Rubber/Goma Pamumuhunan ► Kumpara sa unang yugto ng Imperyalismo na......

Words: 2366 - Pages: 10

Free Essay

Aklat Ng Aking Buhay

...Naaalala mo pa ba ang mga panahon noong ikaw ay isang buto pa lamang? Ang ibig kong sabihin ay buto ng isang halaman. Ikaw ay maselan, mahina at marupok. Nagpapadala ka saan ka man tangayin ng ihip ng hangin. Walang direksyon ang iyong buhay. Dahil dito ay wala kang laban. Hindi mo alam kung saang lupa ka mapapadpad. Lumipas ang mga panahon at ikaw ay lumabas sa loob ng buto at unti-unti’y nasilayan mo ang liwanag ng kapaligiran. Sumulpot ang mga dahon at lumago ang iyong mga sanga. Unti-unti mong naiintindihan ang kulay ng iyong buhay.Minamalas mo na ngayon ang mga hiwagang bumabalot dito. Natuto ka ng kumilatis at mag-isip. Malalim na ang iyong mga pananaw. Kasabay ng pagbabagong ito ay ang pagtanda at paglipas ng panahon na sumasabay rin sa iyong pagyabong. Bawat araw ay may katumbas na pag-asa ng bagong pagsibol. Ang proseso ng iyong buhay ay dumaan sa iba’t-ibang pamamaraan. May mga pagkakataong nagiging marupok ang iba mong mga sanga at gayon din ay nangangahulog ang iyong mga dahon. Ngunit patuloy ka sa paglago at pagyabong. Bawat nalalagas na dahon at sanga ay napapalitan nga bagong sibol sa bawat umaga. Iyan ang buhay laging may pag-asa. Maraming unos ang sa iyo ay dumaan ngunit nagpatuloy ka sa pagiging matatag. Hinarap mo ang mga ito ng buong tatag. Nang malampasan mo ay labis ang kaligayahang iyong nadama. Nakamit mo ang tagumpay na iyong ninanasa at ito ay dahil sa determinasyong iyong ipinakita. Dahil din sa mga pangyayaring ito ay naalala at nagunita mo sa......

Words: 621 - Pages: 3

Free Essay

Epekto Ng Sigarilyo

...Makati City MG AEPEKTO NG PANINIGARILYO SA KALUSUGAN NG NGIPIN AT MGA PARAAN KUNG PAPANO ITO MAIIWASAN Isang Pananaliksik Na Iniharap Sa Kagawaran Ng Pilipino Bilang Pagtupad Sa Mga Kahiligan Para Sa Asignaturang Filipno 12 Nina: Custodio, Ma. Shaira Jeune F. Dominguez, Valerie Joy P. Francisco, Angelica Mae M. Galvez, Alexandra Kate M. Poblete, Kathryn Zoielou V. Roman, Christine Anne C. KABANATA 1 Ang Mga Suliranin At Sandigan Nito Panimula Ang paninigarilyo ay isang bisyo na mahirap malunasan. Nalulunasan kung kaya ng mga tao na mapigilan ang paggamit nito. Iba-iba ang dahilan kung bakit naninigarilyo ang tao. Ang una ay dahil nakakatanggal ng kaba, pangalawa nakakataas ng pangatlo ay gusto lang itong gamitin dahil maraming ding gumagamit nito. Ayon sa isang pananaliksik ay ang isang epekto ng paninigarilyo at ang pagkawala ng ngipin. Kahit saan ka pumunta ngayon ay may makikita kang naninigarilyo at iyon ay isng sa mga problema ng hindi malulutas, kung paano maitigil ang paninigarilyo. Sabi nila kapag nasimulan mo nang gamitin ito, mahihirapan nang pigilin ito. Ang sigarilyo ay para na rin isang droga dahil sa isa sa mga sangkap nito ay ang nacotin na isang droga, ma labis na nakaka-adik. Ngunit hindi alam ng mga maninigarilyo ang epekto ng paninigarilyo sa kanilang ngipin. Ang pag-gamit ng sigarilyo ang dahilan bakit nagkakaroon ng mga sakit tulad ng sakit sa puso, emphysema at iba’t ibang uri ng kanser tulad ng kanser sa baga,......

Words: 4672 - Pages: 19

Free Essay

Pagpapahayag Ng Kalayaan Ng Pilipinas

...Ang Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ay iprinoklama noong Hunyo 12, 1898, sa Cavite II el Viejo (ang kasalakuyang Kawit, Cavite),Pilipinas. Binasa sa publiko ang (Kastila: Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipino), na isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista. Inihayag ng puwersang rebolusyunaryong Pilipino sa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan at soberenya ng kapuluan ng Pilipinas mula sa pamumunong kolonyal ng Espanya. Si Ambrosio Rianzares Bautista (17 Disyembre 1830 – 4 Disyembre 1903), higit na kilala bilang Don Bosyong, ay isang Pilipinong abogado at ang may-akda ng Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Ang Pagpapahayag noong Hunyo 12 nihayag ang kalaayan noong Hunyo 12, 1898 sa pagitan ng ika-apat at ika-lima ng hapon sa balkonahe ng bahay ng angkan nila Heneral Emilio Aguinaldo. Nasaksihan ang sa kauna-unahang pagkakataon ang pambansang watawat ng Pilipinas, na ginawa sa Hong Kong nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza, at ang pagtatanghal ng Marcha Filipina Magdalo,mas kilala ngayon bilang Lupang Hinirang, na isinulat ni Julián Felipe at itinugtog ng banda San Francisco de Malabon. Si Marcela Mariño de Siya ang tinaguriang ina ng watawat ng Pilipinas. Sinasabing kung ano raw ang ganda nang watawat ng Pilipinas, iyon din ang gandang bibighani sa iyo kapag masilayan mo ang may katha. Paglaban para sa kalayaan Ang pagpapahayag ng kalayaan ay hindi kinilala ng Estados Unidos o ng Espanya. Noong huling......

Words: 549 - Pages: 3

Free Essay

Mga Pangulo Ng Ikatlong Republika Ng Pilipinas

...Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas ------------------------------------------------- Manuel Roxas Si Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 – 15 Abril 1948) ay isang politiko sa Pilipinas. Siya ay ang ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas(28 Mayo 1946 – 15 Abril 1948). Isinilang si Roxas noong 1 Enero 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay,ng lalawigang Capiz ngayon ay lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa politika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938–1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng......

Words: 3009 - Pages: 13

Free Essay

Rebyu Ng Pelikula

...PROYEKTO sa FILIPINO SAMPLE NG PAGREBYU ng PELIKULA Sisterakas Star Cinema Production Wenn V. Deramas Direktor: Vincent del Rosario Veronique del Rosario Corpus Prodyuser: Buod ng Pelikula: Ang pelikulang SISTERAKAS ay isang komedya at drama na tungkol sa magkapatid-sa-ama na sina Detty at Totoy. Si Totoy ay naghangad na makapaghiganti sa kanyang kapatid matapos na hindi tinulungan ni Detty ang ina ni Totoy. Dahil sa poot at galit, naisipan ni Totoy na magpayaman upang may maipagmayabang sya sa kanyang kapatid at sa pamilya nito. Lubos na nagbunga ang mga paghihirap ni Totoy at ‘di nagtagal ay nagging matagumpay syang designer at nagmamay-ari ng isang dress apparel, ang Ponytale. Sa kabilang dako naman, si Detty ang kapatid ni Totoy, ay naging mahusay na designer ng damit at nagkaroon ng magandang pamilya, subalit di naglaon, sila ay naghirap matapos syang iwan ng kanyang asawa. Dahil sa hirap at tadhana, napadpad sya sa kumpanya ng kanyang kapatid. Naging puno ng katatawanan ang pelikula habang pinahihirapan ni Toto yang kanyang kapatid. Di nagtagal, lumipat si Detty sa kabilang kumpanya na pinamumunuan ni Suzette. Si Suzette naman, isa sa mga karakter sa pelikula ay ang naging protagonist o kalaban ni Totoy sa kanyang karera. Dahil sa galing ni Detty sa pagiging designer, naiisipan ng ama ni Suzette na paaralin si Detty sa Harvard at ang maging susunod na CEO ng kumpanya. Nagselos si Suzette......

Words: 566 - Pages: 3

Free Essay

“Epekto Ng Labis Na Pagkahumaling Sa Kpop Ng Mga Piling Mag-Aaral Ng Marketing Management Ng Politeknikong Unibersidad Ng Pilipinas”

...PANGKASAYSAYAN PANIMULA Marami ng iba’t ibang “genre” ng musika ang umusbong sa pagtagal ng panahon, gaya na lamang ng “pop,” “rock,” “emo,” ” jazz” at iba pa. Sa panahon ngayon, partikular sa bansang Pilipinas, maraming humahanga sa “KPOP,” ito ay pinaikling salita ng “Korean Pop.” Kadalasang tinedyer ang tumatangkilik ng musikang ito. Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na nasa lenggwaheng koreano ang mga liriko ng mga kanta na ito. Kaya naman kakaunti lamang ang may kakayahang makaintindi nito. Sa pamamagitan ng mga teknolohiya, mabilis na sumikat, nakilala, at naipakalat ang “KPOP” na musika sa buong mundo, gaya na lamang ng “youtube” na kinalalagyan ng iba’t ibang “video.” Ito ang nagiging daan upang makilala o malaman ng mga tao ang mga bagong musika sa panahon ngayon. Maaari rin ang iba’t ibang “website” sa “internet,” gaya ng “facebook,” “twitter,” at iba pa. Maging sa telebisyon ay naipapalabas ang mga grupo na mga koreano na gumagawa ng mga kantang “KPOP.” Bukod sa galling kumanta at sumayaw ng mga koreanong kabilang sa isang grupo na gumagawa ng kantang “KPOP,” dahil na rin sa ganda, gwapo, at galling nilang pumorma kaya naman madali nilang nakuha ang atensyon ng maraming tao, partikular mga tinedyer. “KPOP” o “Korean Pop” ay isang uri ng musika na nadebelop sa bansang Korea kaya naman puro koreano at koreana ang mga gumagawa ng mga kanta nito na nakasalin sa kanilang sariling wika. Ang mga kabilang sa isang grupo ng mga koreano ay hindi lamang......

Words: 4088 - Pages: 17

Free Essay

Tatlong Landas Ng Wika

...Daang Matuwid” Paksa: May Tatlong Landas ang Wika Ang bayaning Gat. Jose Rizal ay siyang nagpagunita kung anong kahalagahan ng wika sa ating nilikha wika niya “ Ang wika ang siyang diwa ng bayan”. Ang unang dapat usisain bakit naging Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas? Sa 1935 kumbensyon konstitusyonal, isang wikang batay sa isa sa mga katutubong wika ng Pilipinas ang ating naging wikang pambansa. Nakapagtatakang isipin na sa daming edukadong ang dila’y Peninsulares at mapuputing kano ay nauwi tayo sa Filipino samantalang sakop ang Pilipinas ng mga Amerikanong ng mga panahong ito. Matalik na ugnayan sana sa Espanya at mga bansang sa Amerika Latina ang ating tinatamasa kung Espanyol ang napiling pambansang wika. Hindi kaya naman wala na sana tayong problemang pinag-uusapan kung Ingles naman, ngunit pinagtibay nila ang pagbuo ng wikang pambansang nakabatay sa isang katutubong wika ng Pilipinas. Bakit mas pinagtibay nila ang pagkakaroon ng wikang pambansa kung may matatamasa naman tayong mabuti sa pagpili ng isa sa dalawang banyagang wika? Sapagkat higit nilang pinaniniwalaang magkakaisa tayo bilang isang bansa at makapagsasarili ng politika at ekonomiya kung isang wikang katutubo ang ating magiging wikang pambansa. Bahagi ng paniniwalang ito ng matinding nasyonalismo na dulot ng nakaraang himagsikang Pilipino na noo’y maalab na maalab sa puso ng mga lider na naging deligado sa kumbensyong pansaligang batas. Bakit Filipino at hindi Pilipino? Sapagkat ang malaking......

Words: 2955 - Pages: 12

Free Essay

Epekto Ng Paghihiwalay Ng Magulang Sa Pag-Aaral Ng Mga Piling Estudyante Ng Plm

...ang nagddeklara ng annulment kada araw mula noong 2012 at 10,528 na annulment cases ang naihain sa OSG base sa datos ng gobyerno na nakuha ng GMA News noong April 4, 2013 at tumataas pa ito taon-taon. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong na malaman ang epekto ng annulment sa mga piling estudyante ng PLM sa kanilang pag-aaral. Nais ding ipahiwatig ng pag-aaral na ito kung ano nga ba ang mga solusyon sa mga epektong ito at kung may mabuti at hindi mabuting naidudulot ang annulment ng mga magulang sa buhay ng isang estudyante. Sa pananaliksik na ito ay nawa’y mabigyan nito ng kasagutan ang mga tanong na namumutawi sa ating mga isipan. Suliranin ng pag-aaral: • Ano-anu ang mga posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ng annulment? • Annulment ba talaga ang sagot sa mga magulang na hindi nagkakasundo? • Paano maiiwasang mapunta ang hindi pagkakasundo ng magulang sa annulment? • Ano ang epekto nito sa isang mag aaral sa PLM? • Nakakabuti o nakasasama ba ang epekto ng annulment sa mga anak na nag-aaral? • Sa paanong paraan o ano-anung pamamaraan ang dapat gawin ng mga mag aaral sa PLM kapag dumaranas ng ganitong sitwasyon? • Gaano ba kahalaga ang kumpletong pamilya sa isang mag aaral sa PLM? Layunin ng pag-aaral: Halos taon taon lumalaki ang bilang ng mga mag asawang nag papa annul, karamihan sa mga dahilan nito ay ang problemang pinansyal at di pagkakaintindihan. Ito ay isa sa mga isyu na kinakaharap ngayon ng ating bansa......

Words: 720 - Pages: 3

Free Essay

Resulta Ng Paggamit Ng Substandard Na Materyalea

...sa paggamit ng substandard na materyales sa konstruksyon * “MANILA, Philippines - Higit sa 50,000 kabahayan sa lalawigan ng Bohol ang gumuho o nasira dahil sa nakaraang lindol na umabot sa lakas na mahigit intensity 7.” Sa pag-aaral ng mga inhinyero sa lawak ng pinsala sa mga gusali at kabahayan sa Bohol, kabilang sa kanilang mga naeksamin ay ang mga mabababang grado ng materyales. Ayon sa kanila, karaniwang ang mga kabahayang naging malaki ang pagkasira ay malamang nakagamit ng ‘sub-standard’ na mga materyales sa kanilang konstruksyon. Wika nila, ang pinaka sanhi ng pag-kolapso ng isang gusali ay ang paggamit ng mahinang klase ng reinforcement steel o kabilya. Marami sa mga kabilya na nakita sa mga bahay na bumagsak ay may timbang na mas mababa ng 11 porsyento kaysa sa tamang espesipikasyon. Maaaring ang mga kabilya na ito ay ginamitan ng malalambot na wire rods kaya mahina ang ‘tensile strength,’ imbes na ang mas matigas na ‘billets.’  * Ang pagkalat ng mahinang klaseng kabilya sa Bohol at Cebu ay nauugat din sa malawakang smuggling ng mga produktong bakal. Ang pantalan ng Cebu ay kilala umano sa talamak na pagpapapasok ng smuggled na bakal galing sa Tsina na ginagawa sa mga plantang pipitsugin. Kaya nga ng makaranas ng matinding lindol ang Kalagitnaang Tsina ilang taon na ang lumipas, ilang siyudad din dito ang napuruhan.  Ang may sala ay ang mahinang pagpapatupad sa mga engineering standards at mahinang bara ng bakal. * Assessment sa pinsala ng 4.7 na......

Words: 349 - Pages: 2

Free Essay

Bilanggo Ng Pag-Big Critical Analysis

...Bilanggo ng Pag-ibig: Pagsasadula ng Sugat ng Bayan Ang mga pangyayari sa buhay ng tao ay bunga ng mga desisyon na ginawa niya sa nakaraan. Karamihan sa mga ito ay bunga ng pansariling interes lamang. Kakaiba ang dulang Bilanggo ng Pag-ibig na ipinalabas ng organisyasyong Dulaang Unibersidad ng Pilipinas noong Pebrero. Ito ay dahil ang dulang ito ay hindi basta-basta nagpapakita at tumatalakay sa normal o nakagawiang buhay ng tao, bagkus isinasalaysay nito ang isang hindi pangkaraniwang realidad tungkol sa mundong kinabibilangan natin. Ang buhay ng tao ay hindi basta-basta lang. Bawat buhay ay may kwentong karapatdapat marinig ng iba. Ito ang itinuro ng dulang Bilanggo ng Pag-ibig sa akin. Ang dula ay may sariling talinhagang nakapaloob sa kwento nito. Ito ang nagbigay ng buhay sa kwento at ang nakapukaw ng atnesyon ko. Nais kong bigyang diin ang mga paniniwala at teorya ni Jean Genet sa mga digmaan lalo na sa Digmaang Palestino. Maraming digmaan ang nagsimula sa pagsakop ng isang estado sa iba pang estado upang palakihin ang kanilang nasasakupan. Ano nga ba ang dahilan ng pananakop na ito? Upang mapalawak ang lupain ng isang bansa? Upang magkaroon ng mas maraming pagkukuhanan ng yaman ang bansa? Upang magkaroon ng ‘bragging rights’ ang isang estado? Karamihan sa pananakop na nagaganap ay para lamang sa pansariling kagustuhan ng mga lider ng isang bansa. Marahil ay tunay na mas uunlad ang isang bansa kung mas marami ang makukuhanan niya ng yaman. Tulad na lamang......

Words: 1283 - Pages: 6

Free Essay

Sa Pag-Ahon Ng Pilipino

...Pag-ahon ng Pilipino “Ang pangunahing bagay na kinakailangan sa bawat isang Pilipino ay… maging isang mabuting tao, isang mabuting mamamayan an tumutulong gamit ang kanyang ulo, kanyang puso at marahil ang kanyang mga bisig para sa ikatatagumpay ng bansa.” * Dr. Jose P. Rizal Ang bayang Pilipinas ay bayang pinagpala ng Panginoon. Pinagpala sa maraming bagay gaya ng mga likas na yaman, ang mga nagtataasang kabundukan, luntiang kapatagan, malalawak na karagatan at dagat, mayayabong na kagubatan, na nagagamit sa pagtugon ng mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipinoat ng mga dayuhan sa maraming bansa. Pinagpala sa mayamang kultura at tradisyon sapagkat sa Pilipinas nanahan ang pinagsamang impluwensiya ng iba’t ibang bansa sa Kanluran, Asya at Silangan. Ito ang nagbibigay kulay ng natatanging pagkakakilanlan sa ating bansa an dapat naman talagang ipagmalaki. At higit sa lahat, pinagpala ang Pilipinas dahil sa mga Pilipino, sambayanang Pilipino na taglay ang kabayanihan at kapatiran, na may wastong pagpapahalaga, na may pusong mapagmahal at masayahin, at may marka ng tunay na kampeon. Sa maraming pagkakataon ay naipakita na ng mga Pilipino ang kanyang mga kahanga-hangang katangian. Nang ang bayan ay inalipusta at inapi ng mahabang panahon, isinilang ang mga bayaning nagpamalas ng nasyonalismo at nag-alay ng kanilang mga buhay para sa bayan. Pagiging bayani- ito ang katangian ng Pilipino na dapat ipagmalaki at isabuhay sa araw-araw. Sa paglipas ng panahon,......

Words: 506 - Pages: 3